Archive for January, 2010

January 29, 2010

Smart Bro and Globe tattoo..My beloved Plug-in!..

Hello kablogger..eto uli ako..sa ilang araw ko nagmatdyag para makakuha ng magandang internet service dito sa aming bayan.ako’y nagsaliksik kay pareng google para alamin kung alin sa sa tatlong network telecom ang may maganda internet service.it’s my personal experience and true to life story.Gusto ko ikwento ang aking hinanakit sa dalawang network na nagoyo ako sa marketing nila ubod ng gulang…here we go

August 2009.Habang nanonood ako ng tv.syempre maraming ads sa tv..hehe..takaw atensyon sa akin yung promo ng smart bro dahil mabilis daw ang internet connection nila lalo na yung plug-in nila.enjoy naman ako pag-isipan kung totoo ba?paano mo malalaman kung true nga kung hindi ko susubukan..syempre pati yung tattoo..ganun din ang set-up kaso mas magaan ang rating nila sa 5 petot is 15 minutes ang browsing sa globe while sa smart 10 petot in 30 minutes.oh kitam!.ang laki ng pagka-iba…pero sumatutal pareho din ang rate nila 20 petot in one hour..magkaiba lang din ang marketing promo nila..hehehe..galing nila magpaikot ng utak noh..eh ayaw ko pa mandin ang numero kasi madali ako mablanko pag malapit na ako sa solusyon..hehehe..

eto na…may pera na ako…nag-iisip na ako kung alin dun sa dalawang ang maganda gamitin..kasi need ko rin ito kaysa pumunta pa sa internet shotp para makapag internet..at prepaid pa..hindi na buwanan na nakalock ka sa 24 months tapos ang makukuha mo speed eh…usad pagong..nakow!..sayang pera..

eto na talaga..ang tanong..ang sagot..hehehe..syempre kung tatanungin mo ko kung ano ang favorite network ko…syempre…hehehe…gusto ko yung…yung…yung…abot ko ang mundo..syempre GLOBE.!!

kaya ending Globe tattoo ang binili ko..ang saya ko kasi naka in na ako..meron na ako plug-in…dali-dali ako umuwi para subukan ang globe tattoo..pagkasaksak ko sa usb port..yan nag auto install na sya..lumalabas na yung dashboard nya…kating kati na ako mag internet..ayun!!!..nakita ko si connection button pindot ko yun..viola!!!..connected na ako internet..ayan ang saya saya ko na kasi may free internet sya ng 5 hours..ganda pa ng speed..parang DSL..ilan buwan din ako naging masaya nito..

Ngunit,dapwat,subalit biglang may dumating na bagyo sa pinas..at magkasunod pa..hirap makakuha ng signal kasi nga bumabagyo…no choice kundi pag tyagaan..kaso mukhang talo na ako kasi usad pagong na..yung dating HSDPA na signal..GSM na lang..Umaasa ako maayos ng globe yun..kaso after nung bagyo..bumagsak na signal ko sa globe tattoo ko..dati nakakasagap ng 3g signal globe ko sa loob ng house ngayon..NAGMUMULTO NA!..at gsm mode na..tapos 2 bar n lang tpos bigla na lang mawawala..kaw ba pre..nagload ka ng matino tapos nakakonek ka sa internet..tpos bigla nadisconnected..kinain na yung load mo..hindi ka pa nakakabukas ng wordpress.eh wala na yung pera mo..lumipad na!!!..waaaahhh!!!…as in kaltas agad ng five pesos.susme!..ilang hundred din nasayang ko sa pagkaloko nya.tumawag ako sa globe customer service center..iisa lang sagot nila.NO REFUND AND NETWORK PROBLEM..ayun napamura ako ng WTF!!!…

UNTIL NOW pag sinaksak ko yung globe tattoo ko..may signal..bigla na lang mawawala..kailangan pa nasa bubungan ng bahay para makakuha ng magandang signal.ano ko hilo?!..pupunta ako sa bubungan para makainternet..eh di pinagtatawanan na ako ng tao.para ako gago nasa tuktok nag iinternet..ayun!…nag-iba na pagtingin ko kay globe tattoo…hindi na abot nag mundo kundi binubutas ang mundo sa bulsa…grrrrrr…

kaya nagdecide ako lumipat sa smart bro..ayun same din ang sitwasyon..pero huwag ka ha..ang ganda ng signal..kahit saan sulok ng bahay eh..fullbar ang signal..HSDPA pa…kakakilig..mabilis din…browsing…sa globe hindi ko naramdaman ang bilis nya pag nagwatch me ng youtube…tama yung ads ni mo twister…higit sa lahat maganda ang promo ng smart..meron ng 50 petot internet eh..24hrs ka mag iinternet..at walang tulugan..hehehe..ganda noh..sulit talaga..NGUNIT

BAKIT GANUN ANG SPEED NYA SA DOWNLOADING??10kBs lang ang downloading??eh ang connection ko HSDPA..asan yung mala Kidlat na connection???bat sa ibang location umaabot ng 200kBs ang connection sa akin nasa 20kBs????…ano to lokohan??? HSDPA connection eh speed 10kBs?ano to??hayz…biro mo gusto ko magdownload ng movie..inaabot ako ng 2 days bago madownload..ANYA METTEN!!!..

natutuliro talaga ako…hindi ko alam bat pa ako nag-aaksaya ng pera kung ganito din ang dadanasin ko sa mga internet service na to..so mapansin nyo sa last post ko dito matagal ako nawala kasi nga yung signal ng network ko dito sa amin (taga santiago city, isabela pala ako)…nababanas talaga ako…lo-tech talaga ang internet dito sa atin..hindi nila ginagamit ng maayos yung pera natin para maka avail ng maganda sa minamarket nila..kung mag plan ka naman..sakit ng ulo mo lang kasi bigla na lang mag down ilang linggo or buwan tpos same pa rin ang babayaran mo…sa prepaid naman kung mamalasin ka..lalamunin bigla yung load mo ng walang kaabog-abog..bsta “sabi akin na to..behlat!!!” ..o ano pa magagawa mo eh..ipagdasal silang wag makidnap ng abu sayyaf..or maback hoe ni ampatuan..

wawa ako…dami kong na aksaya..hayz…til here..

Insertion by;

onesounddrum

c-5 taga,road city

January 16, 2010

Mga gusto ko gawin ngayon TWO-O-TEN

Mga gusto ko gawin ngayon TWO-O-TEN

Advisory:

Wag mo na ituloy basahin baka maboring ka lang..

Hindi ko alam kung ang tawag dito eh new year resolution at wish list pero dahil nagawa ko na to at 7 days ko pinag isipan..print ko to ska ko nilagay sa pitaka ko..tpos guguhitan ko kung alin dito nagawa ko…God bless me.

Bago pala ang lahat sabi ng mga manghuhula eh year ng pieces so ang HAPPY matutupad mga to..

ETO NA ANG ULAT KO

1. PRAY ALWAYS..Pray before sleep and greet God dahil buhay pa ako pagkagising hindi ko na kasi nagagawa ito ewan ko kung kailan ko last ginawa.
2. Magsimba once a month..hindi naman ako santo eh..tama na yung nasa itaas..
3. Makinig ng sermon ng pari kasi once a month ka na lang magsisimba
4. Magkababy boy or girl this my priority
5. Maging Masaya asawa ko sa akin at paliligayin ko sya gabi-gabi..alam ko naman mahal ako nun ganun ako syempre
6. Maidate ko sya sa Feb 14..cheeezzzyy!!
7. Gawin ko simple ang bday ko sa march. Masaya to kasi kasama ko ex-gf ko.ngayon asawa ko na for second time around
8. Makikiprusisyon sa april kasi semana santa na
9. Makilahok sa halalan at iboto ang tamang kandidato
10. Thinking if back to school or distant studying
11. Bday ni misis ko sa october ako ang gagastos nito..
12. Magkaroon ng pera para kada Sunday pakyaw grocery si misis
13. Magsisipag na..tama na ang katamaran..may asawa na ako dapat buhayin
14. Magkaroon ng bahay at lupa.
15. Magkaroon ng laptop para may libangan at para update sa technology
16. Bawasan na magbabad sa mobile para hindi ako awayin ni misis.
17. Magkaroon ng personal accounts uli para may pera..ipon mode
18. Gusto ko maging boss sa itatayo kong bizness
19. Mapalago ang hiram na puhunan nmin ni misis.. this year eh sipagin ako maghanap ng bibili sa produkto namin at makakuha ng mababait na customer
20. Magkaroon ng Professional License para makapag drive ng legal sa lansangan.
21. Maiparehistro ko yung motor ko na sariling ko pera.kaso wala ako work eh kay erpat muna. Hehehe
22. Magkaroon ng pera pang ofw ang kita para hindi na maisipan ni misis umalis…walang sex life..hehehe
23. Gumising ng maaga..
24. Magluto ng paborito ko
25. Maipadevelop ko na yung picture naming nung kasal ko..
26. Mabawi ko yung digicam
27. Maitransfer ko sa dvd yung video naming ni misis bago ako abutang ng 1st year anniversary namin
28. Makabayad ng utang sa nagpahiram sa akin ng 10k ko nung kasal namin..ang bait nun sobra..sana eh bigyan ako ni Lord na bayaran yun
29. Bayaran ko na rin utang ko kay ex-gf ko…ngyon asawa ko na..hehehe..tuwing away sumbatan blues kmi..hmp…
30. Bawasan na pag-iinom tuwing may okasyon na lang
31. One stick per week na lang pag yosi ko til I quit..
32. Hindi ko na aawayin si nanay..kahit mali mali na katwiran nya..kasawa na kasi sya ang dahilan pagkasira ng araw ko..eh promise ko na rin yung kay tatay..Lord bigyan mo ko ng sign ah..para hindi ko na ituloy init ng ulo ko
33. Wag na magsinungaling kay misis.ipaalam na lang kung saan ka..kahit magalit sya importante eh..alam nya nasaan ka..
34. Makinig ng maigi sa kausap..pag hindi mo naintindihan eh ipaulit mo… pag hindi pa rin eh…ibahin mo na ang topic..hehe
35. Magpaalam kung saan ka pupunta..kahit ayaw nya eh hindi yung bigla na lang ako mawawala..hehe
36. Tumaya ng lotto kada linggo bka sakaling manalo ako (Sign of the cross. Amen)
37. Maipasyal ko si misis sa baguio…
38. Makahanap ng work ng fit sa napag aralan ko.
39. Back to school???..ewan ko kung sisipagin pa ako..kasi lagi na lang ako inaaway ng tatay ko..pagbigyan ko na lang kaya???
40. Magpasko sa bahay ng biyenan ko tpos mag new year sa amin..
41. Matuto mag salita ng dialect ng itawes
42. Ma master ng English..para naman maituwid ko na yung English carabao ko
43. Mag aral ng photography..hmmm..new hobby ko to..
44. …….reserved…..

sarsadong tilapia

sarsadong tilapia

January 14, 2010

15 petot ko nag Darna!!!!

GLOBE TELECOM ang babait ng Customer Representative

O di ba meron sila libreng ads sa blog ko..pero hindi yung magandang natamo ko ang ikwento ko dito kundi yung karanasan ko ngayon araw nito.. Ganito yun…

10am nagtext si labz ko binasa ko syempre reply…kundos!!!…FAILED!

Wla ako load…kaya punta ako sa kapitbahay para magload ng 15 petot then ayun dot..dot..dot…then nag confirm na sa phone nung pinaglodan ko then sa phone ko may confirmation na rin ng 15petot..syempre automatic nung mag immortal text na para mahabang kwentuhan…sent ko na sa 8888 para maka unli..pero..pero..pero..PERO…HINDI NAGSEND!…

nagtaka ang lolo mo bat ganun…

then….

nagbalance inquire ako para malaman kung meron ako load..confident naman ako meron kasi may pumasok na confirmation…

ayan…ayan na!..

loading…ayun…zero balance ako eh..WAAAAHH!!…
wala pang 1 minuto nung nagload ako….inulit ni lolo mo.. para masiguro…ganun pa rin..uminit na ulo ko…kakagigising ko lang..at NABIKTIMA NAMAN AKO NI MAGNANAKAW NG LOAD (GLOBE)..ayan sabay tawag sa customer service…

usap..usap..usap…panay singit ko kung maibabalik pa ba yung 15 petot..sabi nung nakausap ko…boses kabayo eh(vice ganda)..eh sabi may tatawag daw uli sa akin….ala ako magawa kundi sundin yung sabi ng lintik na call center at sinulat ko yung reference number…

then.lunch na….

may naricieve ako mms na promo ng globe..linsyanak eh..hindi naman ako nag subscribe ng ganun..mms pa yun..kaya ignore ko…

then…then…

hindi na ako nakatiis nagload ako ng 15petot uli para makapagtext na kay labz ko at makaunli na..may confirmation na..meron na rin yung load nung balance inquire ako..tpos nag register ako kay 8888..sa awa ng Pusa…andun pa rin sa outbox ko yung text..hindi pa rin pumapasok..waiting mode uli…bawas ng ng 4 pesos eh..ndi pa rin pumapasok…BWISIT NA AKO..

meya…meya..meya…

kidaw!!..may tumawag na landline..at 02 ang first digit so manila yun..kala ko job interview..pagkasagot ko..ayun umariba agad yung call center…yung intro…ano ba e di customer service from globe…blah..blah..blah….ang daming tanong tungkol sa pag subcription ko sa mga promo,mms,internet etc..kako never ako nag avail nun…ayaw pa ako pasingit..parang nakaready speech na yung call center…scripted yung sinabi…nung nakatyempo na ako..

AKO: MAY IBABALIK PO BA YUNG 15PETOT KO???

ang sagot na walang ka abog-abog

Call center: “I’M SORRY SIR WE YOU CANNOT REFUND YOUR LOAD YOUR NUMBER IS SUBSCRIBED ON PARTICULAR PROMO WE DISCUSS”…

ayun uminit na ulo ko..

AKO: EH LUMIPAD NA YUNG 15 PETOT KO KAHIRAP HINIGIN SA NANAY KO!!!!!!’..

natunungan ata nya maiinit na ulo ko…at bka makarinig sya na ala ‘citibank scandal’..nag babu na yung girl (cute siguro noh??palagay mo??hehehehehe)..

BWISIT TLAGA..wala atang matinong telecom dito sa pilipinas..lahat ng network nasubukan ko na..eh pareho pareho lang sila nagnanakaw ng load…hayz….

UPdate: til now hindi pa ako nakakaregister sa immortaltext…

ganda ng umaga ko sa globe noh??abot ko ang mundo sa kaasaran..

January 13, 2010

Magkamukha sila noh or nagkataon lang?

Gaya ng nakalagay sa itaas..may nabalitaan ako magkamukha daw si datu unsay ampatuan jr at manny villar jr (kita naman pareho pang jr).ayun tinanong ko agad si pareng google para magkaalaman na..at eto ang resulta!!!

Manny Villar jr

Manny Villar Jr

Datu Unsay Ampatuan Jr

Datu Unsay Ampatuan Jr

January 10, 2010

Feast of Black Nazareth : My View

Feast of Black Nazareth : My View

Habang ginagawa ko ang blog na to I’m watching news about ongoing procession of black Nazareth.Napa isip ako tuwing mapanood me ng tv news o kaya magbasa ako ng dyaryo eh bat sangkatutak ang tao sumasasama sa procession eto ata feast na pakadaming deboto.in worst may namamatay pa. eh kaw ba naman makipagsisikan eh talagang hihimatayin ka sa dami ng tao at kung ano anong amoy masisinghot mo..nung February 2009 napuntahan ko rin ang quiapo.kala ko til tv or litrato ko lang makikita ang simbahan at black Nazareth namangha ako at simple lang ngunit iba ang dating sa akin syempre nagdasal ako at humingi ng guide at wish na rin meron ako wish na natupad din ito ang guide nya sa akin pamamalagi sa maynila pero….. ako ang bumigay sa faith ko sa kanya na hindi nya ako papabayaan.nung time na yun… Yun lang ang napuntahan ko simbahan habang nasa tripping status yun bang biglaan nasa manila at aksidente nakatisod ng work sa Paranaque tapos ang boarding haus eh sa cubao..hanep din ang stress..hindi ko rin kinaya..buti na lang kinatay agad ako sa job na yun(natuwa pa daw oh) kundi adik na itsura ko..pero nanghinayang din ako..ikwento ko ito next entry ko

Back to story

Bat nga ba ganun?ano ba meron ang black Nazareth?in my experience nadama ko rin ang strong present nya pag pumasok ka sa simbahan nya.napakasolemn nya. As in tuwang tuwa ako at napuntahan ko sya mag isa eh..nalibot ko rin buong paligid nya..kaka mangha. ..isa rin ako dayuhan sa sariling bayan.nung makita ko sya sa tv.proud ako at nakita ko sya in person at namangha sa dami ng followers nya (4 million daw and dumalo according to anc news).sa aking paninilay swerte tyong mga pinoy dahil tyo ay malapitan sa Diyos at talaga naman kakaiba dito sa atin we always pray in difficult times pero sana wish ko lang in good times din maaalala ko sya..wish ko rin next year eh masaksihan ko rin ang procession ng black Nazareth.

Viva Black Nazareth!!!!

January 7, 2010

3 bisyo ang dapat manatili sa atin ngayong at kailanman

Galing na to sa kabilang website ko…dagdag ko lang dito..mukha kasing mas exciting dito sa WP than dun sa kabila..

3 bisyo ang dapat manatili sa atin ngayong at kailanman
1. ALAK
2. SUGAL
3. BABAE.
Eto ang txt na natanggap ko sa aking kaibigan nasa manila… Natawa ako sa text forward na to.may katotohanan lalo na sa mga kalalakihan..ano ba ibig sabihin nito.eto yung katuloy ng text forward na yan
1. ALAK – Alagaan Lagi Ang Kapaligiran.

O di ba dapat natin alagaan ang kapaligiran..2009 binagyo ng matindi ang bayang magiliw halos magulpo tayo sa lupit ng bagyong ondoy at pepeng.walang mahirap at mayaman..kaya dapat tayo matuto alagaan ang kapaligiran kaya na lang ang pagtatapon ng basura isa ito pinakamalaking problema sa manila.yun din ang dahilan kaya nabara ang daluyan ng tubig.kaya in general dapat natin alagaan ang mundo..
2. SUGAL – Sa Umaga Gunitain Ang Lumikha.
Tama PRAYER dapat natin pasalamatan si Lord dahil buhay pa tayo.sya ang dahilan kung bakit meron pa tayo mundo.at sya rin ang daan para matupad ang pangarap..kadalasan ska lang natin naiisip SYA pag may problema tayo.aminado ako ganun ako ngunit para sa akin bad ako tao kasi hindi ko na isip importante sya nagsisimba naman ako pero parang wala lang siguro meron pa ako dapat alamin ewan ko kung ano yun.
3. BABAE – Basahin Ang Biblia At Ebanghelio.
Yan ang kadalasan gawain ng lalaki ang mambabae..in worst pa dahilan ng broken family..in positve way muna na tayo gaano ba kadalas natin basahin ang bibliya?at makinig sa gospel at isabuhay?palagay ko bagsak ako sa lagay na to.ngunit ganun pa man masaya ako maglingkod sa Diyos dahil member ako ng singles for christ kalaunan iniwan ko rin dahil sa barkada at hindi magandang karanasan.masarap humarap sa Diyos at kumanta ng worship song.ngunit wala ring kwenta kung hindi mo isasabuhay..
This year sana maisabuhay ko mga to kahit katiting lang at matuwa sa akin.mas mabuti kung tayong lahat…go!..go!..go!..twenti-o-ten!
Gandang Umaga.

January 4, 2010

Hirap!..still mastering wordpress tru mobile blogging via email

Ayun..salamat kay pareng google..nakita ko rin paano magpost via email..test mail ko lang to kung effective nga then happy
together!.welcome na nga ako sa wordpress world

January 4, 2010

Its about me…

This blog is a start to show the real me..in tagalog gusto ko dito ibuhos lahat ng nararanasan ko kalupitan sa mundo..lahat ng pag-asa bigla nawala dahil sa gawa ko at nagawa ng ibang tao..saka ko na ikwento kung bkit ONE SOUND DRUM. Ang title ng blog ko na to.ayusin ko muna bago pumasok sa gyera sa blogsphere.happy new year!

Tags:
January 4, 2010

Hello world!

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.