Mga gusto ko gawin ngayon TWO-O-TEN

Mga gusto ko gawin ngayon TWO-O-TEN

Advisory:

Wag mo na ituloy basahin baka maboring ka lang..

Hindi ko alam kung ang tawag dito eh new year resolution at wish list pero dahil nagawa ko na to at 7 days ko pinag isipan..print ko to ska ko nilagay sa pitaka ko..tpos guguhitan ko kung alin dito nagawa ko…God bless me.

Bago pala ang lahat sabi ng mga manghuhula eh year ng pieces so ang HAPPY matutupad mga to..

ETO NA ANG ULAT KO

1. PRAY ALWAYS..Pray before sleep and greet God dahil buhay pa ako pagkagising hindi ko na kasi nagagawa ito ewan ko kung kailan ko last ginawa.
2. Magsimba once a month..hindi naman ako santo eh..tama na yung nasa itaas..
3. Makinig ng sermon ng pari kasi once a month ka na lang magsisimba
4. Magkababy boy or girl this my priority
5. Maging Masaya asawa ko sa akin at paliligayin ko sya gabi-gabi..alam ko naman mahal ako nun ganun ako syempre
6. Maidate ko sya sa Feb 14..cheeezzzyy!!
7. Gawin ko simple ang bday ko sa march. Masaya to kasi kasama ko ex-gf ko.ngayon asawa ko na for second time around
8. Makikiprusisyon sa april kasi semana santa na
9. Makilahok sa halalan at iboto ang tamang kandidato
10. Thinking if back to school or distant studying
11. Bday ni misis ko sa october ako ang gagastos nito..
12. Magkaroon ng pera para kada Sunday pakyaw grocery si misis
13. Magsisipag na..tama na ang katamaran..may asawa na ako dapat buhayin
14. Magkaroon ng bahay at lupa.
15. Magkaroon ng laptop para may libangan at para update sa technology
16. Bawasan na magbabad sa mobile para hindi ako awayin ni misis.
17. Magkaroon ng personal accounts uli para may pera..ipon mode
18. Gusto ko maging boss sa itatayo kong bizness
19. Mapalago ang hiram na puhunan nmin ni misis.. this year eh sipagin ako maghanap ng bibili sa produkto namin at makakuha ng mababait na customer
20. Magkaroon ng Professional License para makapag drive ng legal sa lansangan.
21. Maiparehistro ko yung motor ko na sariling ko pera.kaso wala ako work eh kay erpat muna. Hehehe
22. Magkaroon ng pera pang ofw ang kita para hindi na maisipan ni misis umalis…walang sex life..hehehe
23. Gumising ng maaga..
24. Magluto ng paborito ko
25. Maipadevelop ko na yung picture naming nung kasal ko..
26. Mabawi ko yung digicam
27. Maitransfer ko sa dvd yung video naming ni misis bago ako abutang ng 1st year anniversary namin
28. Makabayad ng utang sa nagpahiram sa akin ng 10k ko nung kasal namin..ang bait nun sobra..sana eh bigyan ako ni Lord na bayaran yun
29. Bayaran ko na rin utang ko kay ex-gf ko…ngyon asawa ko na..hehehe..tuwing away sumbatan blues kmi..hmp…
30. Bawasan na pag-iinom tuwing may okasyon na lang
31. One stick per week na lang pag yosi ko til I quit..
32. Hindi ko na aawayin si nanay..kahit mali mali na katwiran nya..kasawa na kasi sya ang dahilan pagkasira ng araw ko..eh promise ko na rin yung kay tatay..Lord bigyan mo ko ng sign ah..para hindi ko na ituloy init ng ulo ko
33. Wag na magsinungaling kay misis.ipaalam na lang kung saan ka..kahit magalit sya importante eh..alam nya nasaan ka..
34. Makinig ng maigi sa kausap..pag hindi mo naintindihan eh ipaulit mo… pag hindi pa rin eh…ibahin mo na ang topic..hehe
35. Magpaalam kung saan ka pupunta..kahit ayaw nya eh hindi yung bigla na lang ako mawawala..hehe
36. Tumaya ng lotto kada linggo bka sakaling manalo ako (Sign of the cross. Amen)
37. Maipasyal ko si misis sa baguio…
38. Makahanap ng work ng fit sa napag aralan ko.
39. Back to school???..ewan ko kung sisipagin pa ako..kasi lagi na lang ako inaaway ng tatay ko..pagbigyan ko na lang kaya???
40. Magpasko sa bahay ng biyenan ko tpos mag new year sa amin..
41. Matuto mag salita ng dialect ng itawes
42. Ma master ng English..para naman maituwid ko na yung English carabao ko
43. Mag aral ng photography..hmmm..new hobby ko to..
44. …….reserved…..

sarsadong tilapia

sarsadong tilapia

10 Comments to “Mga gusto ko gawin ngayon TWO-O-TEN”

  1. madaya… wala ko sa blog roll. haha!

  2. Pisces din ako, hehehe at October din ang birthday ng gf ko…

    exchange link? Thanks…
    lipadlaya.wordpress.com

  3. new hobby kumain? haha~!! hmmm maybe technical studying… sa tesda :D

  4. Andami, lol. Mabait na asawa. Palakpakan! Mabuhay ka po!

  5. Ayos ang listahan, ganyan daw dapat gawin sa mga malalaking hangarin sa buhay, dapat ay himay-himayin para hindi magmukhang malaki.
    Dumadaan lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.