HELP YOURSELF hayz….again…
Hmmmm…hayz….yan ang lumalabas na salita sa bibig ko ngayon..nakaharap sa laptop..nag-iisip ng idea kung ano ang magandang iblog. Yung good or bad na nagawa ko ba ipoposte ko?..hayz… again….tama siguro sinabi ng asawa ko na minsan magulo ako magplano..hindi nya malaman kung ano mga gusto ko unahin..sa dami ng sinabi ko sa kanya.eh magulo talaga.gaya ngayon ang dami ko iniisip eh..sa edad ko na ito..dami kong gusto gawin.or ito ba yung tinatawag nila “Quarterlife crisis”.sa personal,marami ako gusto bitawan na gawain na minsan or kadalasan may nasasaktan ako.straight forward kasi ako makipag-usap ayaw ko yung plastikan na may kasamang pagnanasa o yung hidden things..ewan ko ba pag ganun ang kausap ko iba na ang dating sa akin lumalakas ang kabog ng dibdib ko eh..kaya minsan nagsasalita ako ng maling konklusyon..in short,mapanglait ako sa sitwasyon na hindi ko pa nakikita ang outcome.siguro dapat ko na iminimal ang pagiging masungit at suplado..dati mabait kausap at friendly…mahirap na kasi magtiwala tao lalo na kung bago mo kilala at nagsabi ka ng saloobin magugulat ka na lang eh kinalat na sa iba..meron talgang tao na ang trip eh manira ng kapwa o hindi kaya gagawa ng paraan para idown.since ako eh palaban kaya madalas nakakagulo at mainitin ang ulo ko pag nakarinig ako ng hindi maganda komento.minsan kasi kakaasar tangngapin na ganun na lang na walang ka man lang resbak..oo maganda rin yung “less talk,less mistakes.”pero mag mumukha kang guilty sa lagay na to.kahit alam mo walang katuturan mga tsismis nila.sabi nila pag pinatulan mo ang isang baliw eh baliw ka na rin.
Hayz..again…bad items naman yun naisulat ko..ano nman kaya ang good news sa buhay ko?…hindi ko pa napapansin pero ang alam ko..buhay ako..at humihinga at Thanking God not everyday I always thanks to HIM.why?because ayaw ko mag istorbo sa kanya..pero minsan hindi nakakatampo sya….alam nyo pag dumadaan na ako crisis..bihira lang ako umusal ng dasal para humingi ng help sa kanya..bsta pag meron problema I go with myself ayaw ko humatak ng prporoblemahin ko kalunan eh hindi ko masolve..ay naku problem again!!!!..bagsak ko adoration chapel…ganun siguro buhay natin mga katoliko
HELP YOURSELF…oo alam ko pamagat ng kanta yan..yan na din ang title nito.paano ko nga ba matutulungan ang sarili ko???
“PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) - La wakan ang pang-unawa sa minamahal kahit masakit sa kalooban. Ang malakas na pag katao ay dapat sabayan ng matapat at ma gandang kalooban. Kapupulutan ng magandang aral ang maririnig sa mga nakakatanda. Lucky numbers at color of the day ay 4, 16, 23, 42 at mustard yellow..”
Yan ang horoscope ko na hula ni madam rosa nakaposte sa Pilipino star ngayon (www.philstar.com) dated June 17,2010..Lawakan ang pag-unawa??..why not coconut diba?hanggang kailan ako mag uunawa??till death do us part? Overnight? Pagkatapos ng araw na to?…ahhhhhhhhhhhhh…hindi ko alam..ayaw ko naman mag paapi ever noh..habaan ko na lang ng pasensya maigi pa..walang lang nya ako galitin kundi nakow..iinit talaga ulo ko…
Malakas pala personality ko..so dapat pala maging maginoo ako at may mabuting loob at mababang kalooban..ganun ba..ano kaya mapapala ko dito?…ewan ko bahala na si BRO dyan..
Tama kaya mga pinagsasabi ko dito?ewan ko bangag pa ako..sa dami ko aayusin sa buhay ko..ang daming sana noon ko pa gagawin kung sisihin ko lagi ang sarili.walang mangyayari sa akin..kaya dedmahin ko na lang then start new chapter of life..buhay pa naman ako.marami pa ako magagawa at bata pa ako.malay mo katisod ako ng mabuting tao na magbibigay ng kayamanan nya at magagawa ko na ang dreams ko makatulong sa iba na minsan na nagawa ko na rin ng tumulong na hindi mabigat sa bulsa..tutulong ka nga sa problema ng iba tao..tpos sarili mo buhay at problema sa sarili hindi mo malutas di ba?para sa akin help if you want..WALANG PILITAN..at sna wag ng manira kung alam mo ayaw nya tumulong..care mo?..ang daming tao sa mundo pwde mo lapitan hindi lahat ng tao eh aaayon sa gusto mo.dahil meron tyong freedom..bkit kaya may mga taong pagkatapos mo tulungan eh maninira..tpos kung dedma ka at tatahimik tumulong daming haters..ano ba tawag sa ganun??INGGIT DI BA?hmmmp..ampnes..kabitteran na ata kinalalabasan ng blog ko..gusto ko man umayos o mag punchline dito eh..magmumukha na ako plastic ang pinagsusulat ko dito..kung ano yung naisulat ko dito bahala ka na..mag comment..welcome sa akin ang contructive comment wag lang below the belt..sobra yun pang aabuso sa kalayaan mo manita ng tao o mangaral..
Hayz…again
Hayz…again…