Galing na to sa kabilang website ko…dagdag ko lang dito..mukha kasing mas exciting dito sa WP than dun sa kabila..
3 bisyo ang dapat manatili sa atin ngayong at kailanman
1. ALAK
2. SUGAL
3. BABAE.
Eto ang txt na natanggap ko sa aking kaibigan nasa manila… Natawa ako sa text forward na to.may katotohanan lalo na sa mga kalalakihan..ano ba ibig sabihin nito.eto yung katuloy ng text forward na yan
1. ALAK – Alagaan Lagi Ang Kapaligiran.
O di ba dapat natin alagaan ang kapaligiran..2009 binagyo ng matindi ang bayang magiliw halos magulpo tayo sa lupit ng bagyong ondoy at pepeng.walang mahirap at mayaman..kaya dapat tayo matuto alagaan ang kapaligiran kaya na lang ang pagtatapon ng basura isa ito pinakamalaking problema sa manila.yun din ang dahilan kaya nabara ang daluyan ng tubig.kaya in general dapat natin alagaan ang mundo..
2. SUGAL – Sa Umaga Gunitain Ang Lumikha.
Tama PRAYER dapat natin pasalamatan si Lord dahil buhay pa tayo.sya ang dahilan kung bakit meron pa tayo mundo.at sya rin ang daan para matupad ang pangarap..kadalasan ska lang natin naiisip SYA pag may problema tayo.aminado ako ganun ako ngunit para sa akin bad ako tao kasi hindi ko na isip importante sya nagsisimba naman ako pero parang wala lang siguro meron pa ako dapat alamin ewan ko kung ano yun.
3. BABAE – Basahin Ang Biblia At Ebanghelio.
Yan ang kadalasan gawain ng lalaki ang mambabae..in worst pa dahilan ng broken family..in positve way muna na tayo gaano ba kadalas natin basahin ang bibliya?at makinig sa gospel at isabuhay?palagay ko bagsak ako sa lagay na to.ngunit ganun pa man masaya ako maglingkod sa Diyos dahil member ako ng singles for christ kalaunan iniwan ko rin dahil sa barkada at hindi magandang karanasan.masarap humarap sa Diyos at kumanta ng worship song.ngunit wala ring kwenta kung hindi mo isasabuhay..
This year sana maisabuhay ko mga to kahit katiting lang at matuwa sa akin.mas mabuti kung tayong lahat…go!..go!..go!..twenti-o-ten!
Gandang Umaga.